ISIP para sa mga kabataan inilunsad sa Iloilo
MANILA, Philippines — Inilunsad ng tanggapan ng House Speaker ang panibagong programa bilang tugon sa direktiba ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang mga kabataan na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang paglulunsad ng Integrated Scholarships and Incentives Program (ISIP) for the Youth.
Ang ISIP ay isang financial assistance initiative para sa mga estudyante sa high school, Alternative Learning System, tertiary level, at vocational education institutions.
Kabuuang 2,000 estudyante sa lalawigan ng Iloilo ang tatanggap ng tig-P2,000 tulong kada buwan sa loob ng anim na buwan mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang tulungan ang mga ito sa kanilang mga bayarin.
Makakatanggap din sila ng P15,000 na taunang tulong sa ilalim ng Tulong Dunong program ng Commission on Higher Education (CHED).
Maliban dito, mayroon na rin silang slot para sa Government Internship Program (GIP) matapos magtapos at ang kanilang magulang o guardian ay isasama rin sa TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
“This is to ensure that these students will eventually become our partners in nation-building. Nakakagana pong mag-aral pag alam mong may internship ka sa gobyerno pagka-graduate mo,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
- Latest