^

Police Metro

Cable cars, pinag-aaralan nang gamitin sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pang-masa

Dahil sa matinding traffic sa Metro Manila

MANILA, Philippines — Dahil sa nararanasang matinding trapiko sa Metro Manila, nakahanap ng solusyon ang Quezon City government at pinag-aaralan na nila ang posibilidad na pagde-dedeploy ng mga cable cars sa lungsod para sa mas mabilis na transportation. 

Nakipagpulong na si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa  French transport company POMA Group na naghahanda ng cable car concept para sa Kalakhang Maynila, batay sa ginawang konsultasyon sa Department of Transportation (DOTr).

Sa dalawang taong pag-aaral ng POMA Group, maaaring magkaroon ng cable car corridor sa may Marikina River na mag-uugnay sa Marikina City, Quezon City, at Pasig City.

Oras na makumpleto na, ang cable car system ay ikokonekta ito sa Light Rail Transit (LRT)-2 Station sa Santolan at sa Eastwood, Libis area at sa itatayong Metro Rail Transit (MRT)-4.

Ayon sa kumpanya, ang cable cars ay ­malaking tulong na ­maibsan ang matinding traffic sa Metro Manila na ang may 30,000 hanggang  40,000 commuters ay bibilis ang paglalakbay sa kanilang destinasyon.

Inimbitahan ng POMA Group si ­Mayor ­Belmonte na bisitahin ang Téléo urban cable car system sa Toulouse, France para makita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng cable cars sa komunidad.

CABLE CARS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with