^

Police Metro

Isa sa mga suspek sa MSU bombing, naaresto

Doris Franche-Borja, John Unson - Pang-masa
Isa sa mga suspek sa MSU bombing, naaresto
Mindanao State University bombing suspect Jafar Gamo Sultan is shown in an undated photo handed out by the Armed Forces of the Philippines.

MANILA, Philippines — Arestado ang isa sa mga suspek sa pambo­bomba sa gymnasium ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City, kamakailan.

Kinilala ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad ang naaresto na si Jafar Gamo Sultan na may mga alyas na “Jaf” at “Kurot.”

Naaresto umano si Sultan sa ikinasang operasyon ng Joint Task Force Marawi gayundin nitong December 6 sa Barangay Dulay Proper sa Marawi City.

Si Sultan ay kasamahan ng isang alyas Omar, na siya namang tinukoy ng mga testigo na nagdala ng improvised explosive device sa Dimaporo Gymnasium habang nagsasagawa ng isang misa at inaalam pa kung konektado si Sultan sa Dawlah Islamiya-Maute.

Iniulat din ni Trinidad na narekober nila ang dalawang motorsiklo sa isinagawang operasyon habang patuloy pa ring tinutugis ang iba pang mga suspek sa pagpapasabog.

Una nang pinangalanan ng PNP  sina Kadapi Mimbesa alyas “Engineer” at Arsani Mimbesa o alyas “Khatab” na kapwa miyembro ng  Dawlah Islamiyah - Maute Group.

Magugunitang naganap ang pagsabog sa loob ng gymnasium ng MSU habang nagaganap ang isang misa na kung saan apat katao ang namatay at nasa 50 ang nasugatan.

BOMBING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with