Marcos sa mga Pinoy: Tularan ang kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio
MANILA, Philippines — Mga tinatawag na “unsung modern-day heroes” gaya ng mga manggagawa, pulis, military officers, medical practitioners, mga guro at overseas Filipino workers (OFWs).
Sa naging talumpati ng Pangulo sa 160th birth anniversary ni Bonifacio na inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sinabi ni Pangulong Marcos na si Bonifacio ay katulad ng ibang ordinaryong Filipino na inilaan ang kanyang buhay para ipaglaban ang kanyang mga kababayan at ang Pilipinas.
“Inaanyayahan ko rin ang bawat isa na tularan ang kaniyang kabayanihan at pagmamahal sa bayan, at ipakita ang mga ito sa ating pang-araw-araw na gawain,” ayon sa Chief Executive sa kanyang naging talumpati.
“Sa diwa ng bayaning si Gat Andres Bonifacio, tayo’y tinatawag hindi lamang na ialay ang ating buhay para sa Inang Bayan, kundi pati na ang pagbuhos ng ating kahusayan, galing, tapang, at oras, upang ang bawat hakbang natin ay maging ilaw ng pag-asa at inspirasyon para sa ating mga kababayan,” dagdag na wika nito.
- Latest