Electric trains, tricycles inilunsad vs climate change
MANILA, Philippines — Inihayag ng Clean Air Philippines Movement, Inc. (CAPMI) na tagumpay ang selebrasyon at paglulunsad ng paggamit ng makabagong mass public transportation sa bansa.
Pinarangalan ng CAMPI ang Philippine National Railways (PNR) sa pamumuno ni PNR Chairman Michael Ted Macapagal at ang buong Metro Manila Tricycle Operators and Drivers Association (MMTODA) sa pangunguna ng Presidente nito na si Ace Sevilla sa layuning labanan ang air pollution.
Inanunsyo ni Macapagal na ang mga luma at mauusok na mga PNR trains ay papalitan na ng electric trains na kasama sa 2024 PNR Modernization Initiative na sinisimulan niya.
Sinabi ng CAMPI na ang electric trains at electric tricycles ang sagot laban sa mga nakakamatay na sakit ng tao at climate change na dulot ng maduduming usok na binubuga ng mga sasakyan.
Sa nasabing parangal para sa mga 2023 “Clean Air Champions,” sinuportahan din ito ni Sevilla na dapat magpalit na ng mga mas malinis at ligtas na uri ng mass public transportations para maiwasan ang mga sakit sa mga kakabayan natin at ang climate emergency
- Latest