^

Police Metro

Lisensiya ng driver sa viral road rage video sinuspinde ng LTO

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya ng driver ng SUV na nag-viral ang video sa social media nang sadyang sagasaan ang motorsiklo na sinasakyan ng Angkas driver at pasahero nito sa Mandaluyong City.

Sinabi ni LTO-NCR Director Roque Verzosa III na batay sa kanilang imbestigasyon, ang Suzuki Wagon nang arestadong 56-anyos na sangkot sa road rage incident ay naka- rehistro sa isang bangko.

Pinuri ng mga netizens ang moto taxi company na Angkas PH sa kanilang pagiging malasakit sa kanilang mga bikers o riders sa naging aksyon nila sa naganap na insidente sa kalsada, kamakalawa.

Makikita sa mga pahayagan at social media ang maagap at personal na ginawa ni Angkas CEO George Royeca sa naaksidenteng rider at pasahero sa Mandaluyong City nitong Nob. 22 na kung saan ay sinadyang binangga ng isang orange SUV ang isang Angkas Moto Taxi rider habang may angkas ito.

Idinagdag pa ni Royeca na patuloy na ipinapatupad ang tamang training sa lahat ng riders hindi lang proteksyon sa kanilang sarili bagkus ay sa mga pasahero nila. Kaya ang safety record ng Angkas ay nanatili na 99.997 percent.

Ayon pa kay Royeca, sasampahan nila ng kaukulang kaso ang driver ng SUV para hindi na pamarisan at mabigyan ng leksyon. - Angie dela Cruz

LISENSYA

LTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with