^

Police Metro

Motor vs tourist bus: 2 todas, 8 Taiwanese sugatan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang nasawi nang kanilang sinasakyan ay sumalpok sa kasalubong na tourist bus sa Barangay Langtad, City of Naga, Cebu, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima na nasawi noon din ay sina Klyde Morchie Rosada, 18, at Joshua Canceran, parehong taga-Bairan, Naga.

Sa ulat, alas-4:20 ng madaling araw galing sa Cebu City sakay ng motorsiklo ang mga biktima na ­patungong Oslob City habang galing sa Barangay Langtad patungong Naga City proper ang tourist bus na minamaneho ni Richard Varga, 49, residente ng Consolacion.

Ayon kay P/Lt. William Homoc, hepe ng City of Naga Police Station, biglang lumipat umano sa linyang tinatahak ng tourist bus ng Paladin Transport Services ang motorsiklo.

Tinangkang umiwas ang bus na kumabig sa kaliwang lane subalit doon sila nagkasalpukan na kung saan ang bus ay bumangga pa sa pader sa gilid ng highway na ikinasugat ng walong Taiwanese nationals na kinabibilangan ng dalawang bata.

vuukle comment

CEBU

NAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with