^

Police Metro

7 patay, 2 sugatan sa 6.8 magnitude lindol

Joy Cantos, Angie dela Cruz, John Unson - Pang-masa
7 patay, 2 sugatan sa 6.8 magnitude lindol
Sinabi ni NDRRMC Spokesman Edgar Posadas, na sa nasabing bilang ng mga nasawi, isa rito ay sa Jose Abad Santos, Davao Occidental; isa sa Malapatan, Sarangani; dalawa sa Glan, Sarangani, at tatlo sa General Santos (GenSan) City. Karamihan sa mga nasawi ay natabunan at nabagsakan ng mga gumuhong gusali at iba pang istraktura.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na pito na ang naitatalang nasawi, dalawa ang sugatan habang dalawa pa ang nawawala sa pagtama ng 6.8 magnitude ng lindol sa ilang bahagi ng katimugang Mindanao nitong Biyernes.

Sinabi ni NDRRMC Spokesman Edgar Posadas, na sa nasabing bilang ng mga nasawi, isa rito ay sa Jose Abad Santos, Davao Occidental; isa sa Malapatan, Sarangani; dalawa sa Glan, Sarangani, at tatlo sa General Santos (GenSan) City. Karamihan sa mga nasawi ay natabunan at nabagsakan ng mga gumuhong gusali at iba pang istraktura.

“Mayroon din tayong reported missing, mayroon tayong reported injuries, pero initial report pa lang,” pahayag ni Posadas na sinabing nasa 450 indibidwal naman ang nangangai­langan ng atensiyong medikal.

Ayon kay GenSan Mayor Lorelie Geronimo-Pacquiao sa isang radio interview, bukod sa mga napinsalang istraktura, nasa 300 katao ang isinugod sa Dr. Jorge Royeca City Hospital kamakalawa ng gabi bunga ng malakas na lindol.

Karamihan sa 300 na nasaktan sa GenSan ay mga estudyante makaraang mag-panik nang biglang yumanig ng malakas habang sila ay nagpapartisipa sa aktibidad sa gymnasium ng kanilang eskuwelahan.

Iniulat naman ng Office of Civil Defense (OCD) Region 12 na kabilang sa mga nasawi sa GenSan ay ang mag-asawang sina Danny Ginong, 26-anyos­ at Jane Ginong, 18, na kapwa nabagsakan ng konkretong pader habang naghahanap ng mapagtataguan sa kasagsagan ng lindol sa Amadeo compound ng lungsod pasado alas-4:14 ng hapon noong Biyernes.

Ayon naman kay Col. Nicomedes Olaivar, provincial director ng GenSan Police, patay rin nang matagpuan si Winnefreda Flores nang matabunan ng mga konkretong dingding na nagkabitak-bitak at mga bakal na mga parte ng gusali ng malaking mall sa lungsod. Dalawa rin ang naitalang nawawala roon.

Dagdag ni Po­sa­­das­, nasa 11 kalsada ang naapektuhan kabilang ang dalawa na dahilan sa pagkakabiyak ng lupa at pagkawasak ng mga tulay ay hindi madaanan sa Region XII, apat na tulay rin ang nagkaroon ng pinsala.

May 21 insidente rin ng pagkawala ng ­kur­y­ente bunsod ng lindol pero sa GenSan ay naibalik na ito bandang alas-7 ng umaga nitong Sabado.

Naitala na may 60 kabahayan at 32 imprastrakura ang nasira sa lindol.

Samantala, sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kanilang pagkakalooban ng tulong ang mga pamilyang sinalanta ng malakas na lindol sa Mindanao.

“Para po sa ating kababayan na nasugatan, may mga nasawing kamag-anak, ang amin pong financial assistance ay kasama sa aming Quick Response Funds (QRF) na maaari nating agarang ibigay na tulong,” pahayag ni DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez.

EDGAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with