Quezon City fire: 10 bahay naabo
MANILA, Philippines — Nasa 10 kabahayan ang natupok ng apoy sa naganap na sunog sa Sitio Militar, Bahay Toro sa Quezon City nitong Sabado.
Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), naitala ang unang alarma sa sunog bandang ala-1:22 ng hapon.
Ang ikalawang alarma ng sunog ay bandang ala-1:27 ng hapon matapos kumalat na ang apoy sa mga magkakatabing bahay sa lugar.
Ayon sa BFP ang nasunog na mga kabahayan ay sa likuran lamang ng Quezon City General Hospital sa Bahay Toro ng lungsod.
Idineklarang under control ang sunog ganap na alas-2:10 ng hapon at tuluyan naman itong naapula dakong ala-2:38 ng hapon.
Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa nangyaring sunog na inaalam pa ang kabuuang pinsala o danyos.
- Latest