^

Police Metro

NCAP dapat na bang ibalik?  

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MULING igigiit ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipatupad uli ang ‘No Contact Apprehension Policy’ (NCAP).

Mula raw kasi nang alisin ito, dumami lalo ang pasaway na patuloy na lumalabag sa mga batas trapiko.

Isa rin ito sa nakikita ng MMDA na dahilan  sa pagtaas sa bilang ng mga ilegal na gumagamit sa EDSA busway lane.

Aminado ang MMDA na hindi nila kakayanin ang 24/7 na pagbabantay sa mga malawak na lansangan sa Metro Manila kaya kailangan nila ang tulong ng teknolohiya.

Isa na dyan ang mga naitalagang mga camera sa mga lansangan na siyang nakakasaksi sa mga paglabag ng mga motorista.

Kung tutuusin, talagang malaking tulong ang NCAP na pumipigil pa rin sa mga korapsyon sa lansangan.

Pinatigil ng Korte Suprema ang pagpapatupad nito nang maglabas sila ng temporary restraining order noong Agosto 2022.

Sa mga panahong yan talagang marami ang nagreklamo dahil nga sa taas ng kanilang bayarin sa mga paglabag.

Sa panahon ding yan marami ang nagsabing hindi pa plantsado nang husto ang mga panuntunan  na pinagsisimulan  ng kalituhan at kaguluhan.

Mahigit isang taon nang suspendido ang NCAP  na sana nga eh napag-aralan na   nang husto, lalo na ang mga aberya sa sistema bago ihirit ang panunumbalik nito.

MMDA

NCAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with