^

Police Metro

House Bill na ‘papatay’ sa kabuhayan ng riders, kinondena ng transport group

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinondena ng United Motorcycle Taxi Community (UMTC) ang isang panukala sa Kamara na nagtutulak na ietsapu­wera ang isang motorcycle (MC) taxi company mula sa tatlong taong pilot prog­ram ng pamahalaan.

Ayon kay UMTC representative Romeo Mag­lunsod na bakit pinapatay ni Manila Rep. Rolando Valeriano ang kabuhayan ng 6,500 pamilya kung makakalusot ang rekomendasyon nito sa Kamara.

Ayon sa grupo, na nagsagawa ng isang kilos-protesta kontra sa panukala ni Valeriano na alisin sa pilot testing ang MC taxi na Move It, isang napakalaking banta sa kanilang kabuhayan ang isinusulong ng mambabatas.

“Kung ipapasara niya ang Move It, mawawalan kami ng trabaho at papaano naman sila pakakainin?” tanong ni Mag­lunsod.

Umapela rin si UMTC representative Jet Cruz sa mga mambabatas na gamitin ang kanilang kapangyarihan at impluwensiya para mabigyan ang MC taxi riders ng mga karagdagang oportunidad sa pamamagitan ng pagbubukas at pagpapasigla sa buong MC industry imbes na ipakopo lang ito sa iilang players sa bansa.

Naniniwala ang UMTC na bukod sa riders, makikinabang din ang commuters kung may iba’t ibang players sa MC taxi industry dahil anito’y lilikha ito ng kompetisyon na magpapamura ng pasahe at magpapaganda ng serbisyo.

RIDERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with