^

Police Metro

‘Libreng Sakay’ hindi tuloy sa Nobyembre – DOTr

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi tuloy ang “Libreng Sakay” program sa buwan ng Nobyembre.

Ito ang sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na taliwas  sa naunang sinabi ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board na magbabalik na ang “Libreng Sakay” nitong Nobyembre hanggang sa katapusan ng Disyembre dahil nakatakda nang ilabas ang P1.3 bilyong budget para rito.

Ayon kay Bautista,  sa halip na libreng sakay, pinag-aaralan ngayon ang pagbibigay na lamang ng discount sa mga pasahero dahil kulang pa ang kanilang pondo.

Nagwakas ang “Libreng Sakay” sa EDSA Bus Carousel noong Disyembre 31, 2022 matapos ang pagtakbo nito ng dalawang taon.

 

vuukle comment

FREE RIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with