59 Pinoy sa Lebanon humiling ng repatriation
MANILA, Philippines — Nasa kabuuang 59 na Filipino sa Lebanon ang humiling na ng repatriation matapos na ilagay ang bansa sa Alert Level 3 (voluntary repatriation) dahil sa tumataas na tensyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah militants.
Sinabi ni Philippine Ambassador to Lebanon Raymond Balatbat na nakatanggap na sila ng 59 applications for repatriation nitong Linggo at inaasahang tataas pa ang bilang.
Sa 59 Filipino na nagnanais na bumalik sa Pilipinas, sinabi ng ambassador na tatlo dito ang nakabase sa Southern Lebanon kung saan tumataas ang tensyon sa border ng Israel.
Karamihan din umano sa mga aplikante para sa mga nagnanais ng repatriations ay mula sa capital, Beirut at Mounth Lebanon.
Tinatayang nasa 17,500 Pinoy ang naninirahan sa Lebanon. Sa datos, mayroong 17,500 Filipino ang naninirahan sa Lebanon. Mula noong Oktubre 7 ay nagpapalitan na rin ng pag-atake ang Israel military at Hezbollah.
Nitong Linggo, sinabi naman ni DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega na umaasa itong kukunin na ng mga Filipino sa Lebanon ang repatriation program services ng bansa habang bukas pa ang paliparan sa Beirut at madali pang makabili ng mga tiket sa eroplano.
- Latest