^

Police Metro

National Cyber Security Office, itatag

Doris Franche-Borja - Pang-masa
National Cyber Security Office, itatag
Ito ang hiniling ni House Deputy Majo­rity Floor Leader at ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo sa pa­ma­halaan matapos ang sunud-sunod na pag-atake ng mga hackers sa mga computer data sys­tem at websites ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng PhilHealth, Depart­ment of Information, Communication and Technology (DICT) at maging ng House of Re­pre­sentatives.
STAR / File

MANILA, Philippines — Magtatag na ng isang ahen­sya para protektahan at labanan ang anumang pag-atake ng mga hackers, o mas malala pa, ng mga cyber terrorists, sa mga computer at data systems sa bansa.

Ito ang hiniling ni House Deputy Majo­rity Floor Leader at ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo sa pa­ma­halaan matapos ang sunud-sunod na pag-atake ng mga hackers sa mga computer data sys­tem at websites ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng PhilHealth, Depart­ment of Information, Communication and Technology (DICT) at maging ng House of Re­pre­sentatives.

“Nakita natin na kung ga­ano ka vulnerable at helpless ang mga ahensya natin sa pag-atake ng mga hacker sa mga websites o mga computer files ng mga government agencies natin,” wika ni Tulfo.

“Bagama’t naayos naman ang problema after a few days, we want sana na ma-prevent ang mga prob­lemang ito bago pa ang mga pag-atake ng mga hackers na ito,” dagdag pa ni Tulfo.

Aniya, marami ng bansa ang nagtatatag na ng cyber security agency dahil online o digital na ang halos lahat ng transaction pati ang komunikasyon sa buong mundo.

Para kay Tulfo, ang ita­tag na cyber security office o agency ay may ka­ka­yahan na pangalagaan at protektahan ang mga digital files ng gobyerno laban sa mga pag-atake ng mga ordinaryong hackers at posibleng cyber terrorists.

Plano ni Tulfo na mag­hain ng isang panukalang batas para sa pagtatatag ng isang ahensya na labanan ang problemang ito at protektahan lahat tayo sa anumang cyber attack.

vuukle comment

HACKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with