^

Police Metro

Mga bagong website sa e-sabong nagsulputan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling nagsusulputan ang mga bagong website sa e-sabong kaya patuloy ang illegal operation nito.

Ito ang inamin ni Phi­lippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) spokesperson PCapt. Michelle Sabino at pinipilit nilang tanggalin ang website, subalit muli namang gumagawa ang mga ito para tuluy-tuloy ang laro ng e-sabong.

Ang e-sabong aniya ay nagpapakita ng pagka­kataon sa ilang mga Fi­lipino na tumaya para ma­kakuha ng “quick money.”

Nakakalungkot lamang na marami pa ring Filipino ang umaasa sa ‘games of chance’ at ayaw na nahi­hirapan para kumita.

Ngayong buwan lamang, nasa 23 indibidwal ang inaresto kabilang ang isang konsehal, dahil sa e-sabong sa iba’t ibang bahagi ng Bulacan.

SABONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with