^

Police Metro

Barilan sa loob ng restobar: Parak dedo sa kabaro

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang pulis at sibilyan ang nasawi habang suga­tan ang nakabarilan na pulis sa naganap na ba­rilan sa loob ng restobar sa Brgy. District 2, Tumaui­ni, Isabela, kama­kalawa.

Kinilala ang nasa­wing pulis na si Pat. Jackson Acosta, 25, binata at kasalukuyang nakadestino sa Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company, at residente ng Brgy. Rizal, Delfin Albano, Isabela;at sibilyan na si  Donnie Cullado.

Sugatan naman si PCpl Neil Baquiran, 33, nakatalaga sa Santiago City Police Station, at residente ng Brgy. Lanna, Tumauini, Isabela at waiter na si Ana­cleto Arugay, 23, ng  Canzan, Cabagan, Isabela

Lumilitaw sa pagsisiyasat, ala-1:00 ng mada­ling araw nitong Lunes nang maga­nap ang insidente sa loob ng  isang restobar sa Brgy. Rizal, Tu­mauini.

Nag-iinuman sa resto bar ang gru­po ni Baquiran nang lumapit ito sa mesa ni Acosta kasama ang isa pang lalaki.

Dito ay bigla umanong binu­not ni Acosta ang ser­vice  firearm, su­balit ma­bilis na naagaw ni  Ba­quiran at nagpambuno.

Muling nakuha ni Acosta ang  baril at walang habas  na  pinaputu­kan si Baquiran at kasamahan nito at gumanti ito ng putok na  iki­nasawi nina Acosta at Cullado.

Inaresto ng mga ru­mes­­pondeng pulis si Baquiran at kinumpiska ang Glock 9mm na issued service firearm nito  gayundin ang Taurus 9mm na issued firearm ni Acosta para sa ballistic examination.

vuukle comment

JACKSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with