Magdalo kay Marcos papasukin ang ICC para maimbestigahan si Duterte
MANILA, Philippines — “Payagang pumasok sa bansa ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC).”
Ito ang panawagan ng grupong Magdalo na pinamumunuan ni dating Senador Antonio Trillanes IV sa pamahalaang Marcos upang imbestigahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa grupo, nararapat lang na papanagutin si Duterte sa libong mga namatay sa kaniyang anti-drug war noong panahon ng kaniyang administrasyon.
“We, the Magdalo group, are urging the Marcos administration to allow the ICC investigators into the country in order to make ex-president Rodrigo Duterte accountable for his crimes against humanity,” sabi ng Magdalo sa isang statement.
“This is in light of Mr.Duterte’s recent public admission that he used his Confidential/Intelligence funds to conduct extra-judicial killings on his constituents in Davao City when he was still its mayor,” dagdag pa doon.
Nauna nang nagdeklara si Pangulong Marcos Jr. na hindi sila makikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC sa kanilang pagsisiyasat sa giyera kontra ng Duterte administration.
Sabi pa ni Marcos, walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas na kumalas sa ICC noong Marso 2019.
- Latest