^

Police Metro

Website ng Kamara kinalikot ng hacker

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Website ng Kamara kinalikot ng hacker

MANILA, Philippines — Na-hack din ang website ng Kamara de Representantes ng indibidwal o grupo na nagpakilalang “3MUSKETEERZ.”

“You’ve been hacked. You’ve been hacked. Have a nice day,” sabi ng mensahe ng hacker.

“Happy April fullz kahit October palang! Fix you website hacked by—3Musketeerz,” sabi pa nito.

Bukod sa litrato at caption, ginalaw din ng hacker ang laman ng schedule ng mga komite.

Ito ang kinumpirma ni Office of the House Secretary General  Reginald Velasco, nakikipag-ugnayan na ang Kamara sa Department of Information,  Communi­cation and Technology (DICT) para maisaayos ang sistema at imbestigahan ito.

Nabatid na may lumabas na mensaheng “Na-hack ka” sa kaliwang bahagi ng landing page ng Kamara, www.congress.gov.ph, bago magtanghali, kasama ang troll face comic meme at dakong alas-12:55 ng tanghali nang hindi na ma-acces ang website ng Kamara.

Sinabi naman ni Information and Communications Technology Secreta­ry Ivan John Uy na ito ang dahilan kung kaya ina­apela nila ang pagtatanggal ng confidential funds para sa susunod na taon.

HACKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with