^

Police Metro

Marcos sinuspinde ang ‘pass-through fees’

Gemma Garcia - Pang-masa

Sa mga sasakyang may dalang kalakal…

MANILA, Philippines — Sinuspinde ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. ang toll collections sa hanay ng Local Government Units (LGUs) para sa anumang sasakyan na naghahatid ng anumang kalakal.

Sa ipinalabas na bagong Executive Order (EO) na nakalathala sa Official Gazette, nitong Huwebes ng gabi ay tinukoy ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na bawasan ang “logistical at transportation costs” upang muling pasiglahin ang local industry.

“All LGUs are prohi­bited from collecting  toll fees and charges upon all motor vehicles transporting goods or merchandise, while passing through any national roads and such other roads not cons­tructed and funded by LGUs pursuant to Section 155 of RA (Republic Act) No. 7160,” ang nakasaad sa EO.

Idagdag pa rito, hinikayat din ang LGUs na ganap na suspendihin din ang nasabing bayarin.

Mababasa sa kautusan: “In the interest of public welfare, all LGUs are further strongly urged to suspend or discontinue the collection of fees, such as but not limited to, sticker fees, discharging fees, delivery fees, market fees, toll fees, entry fees, or Mayor’s Permit fees, that are imposed upon all motor vehicles transporting goods and passing through any local public roads constructed­ and funded by said LGUs.”

Hinikayat din ang LGU na muling suriin ang kanilang bayarin sa loob ng 30 araw mula nang maging epektibo ang naturang kautusan.

TOLL FEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with