10 pang Pinoy nasawi sa malagim na Hawaii wildfire
MANILA, Philippines — Nagdagdag ang mga Otoridad sa Maui, Hawaii ng 10 pang Pilipino sa listahan ng mga namatay sa malagim na wildfire na naganap noong Agosto 8.
Kaya umakyat na sa 29 ang bilang ng Filipino at Filipino-Americans ang nasawi at kinilala ang pinakabagong mga biktima na pitong miyembro ng pamilya Quijano at dalawang miyembro ng pamilya Ricolizado.
Kabilang sa pamilya Quijano na nasawi ay si Adela Quijano Villegas, asawa niyang si Joel, Felimon Quijano Junmark Geovannie Quijano, Angelic Quijano Baclig, Lydia Coloma at Luz Bernabe na pawang mga taga-Ilocos at umano’y na-trap sa loob ng sasakyan.
Habang dalawang miyembro naman sa pamilya Recolizado na mula sa San Juan, Metro Manila ang kinilala sa pamamagitan ng DNA samples at ito ay sina Victoria Recolizado, 51 at Justine Recolizado, 11.
Ang biktima na si Eugene Recolizado na nasawi rin sa nasabing trahedya ay kamag-anak nina Justin at Victoria.
Habang biktima rin si Reveling Tomboc, 81 at ina rin ng nasawi sa wildfires na si Bibiana Tomboc Lutrania na nagmula sa Pangasinan.
Nasawi rin si Allen Constantino, na anak ni Leticia na nauna nang naiulat na nasawi sa trahedya at isang Filipino pa ang hindi nabibilang.
Kinumpirma naman ng County of Maui na 97 katao ang nasawi sa pinakamalagim na wildfire sa kasaysayan ng Hawaii, 89 sa mga biktima ay nakilala na.
- Latest