^

Police Metro

Smog sa Metro Manila mula sa usok ng mga sasakyan, ‘di sa Taal Volcano — DENR

Angie dela Cruz - Pang-masa
Smog sa Metro Manila mula sa usok ng mga sasakyan, ‘di sa Taal Volcano — DENR
The Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) shared images of Metro Manila as the city experiences low visibility on Friday, Sept. 22, 2023.
Facebook / MMDA

MANILA, Philippines — Hindi ang volcanic smog mula sa Bulkang Taal ang maruming usok na nararanasan sa Metro Manila kundi mula sa naibubugang maruming usok ng mga sasakyan.

Ito ang sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Environmental Management Bureau na batay sa air quality monito­ring data na nagpapakita ng heightened alert sa ilang bahagi ng Metro Manila dulot ng maruming usok na nailalabas ng mga sasakyan sanhi ng matinding trapik lalo na kung rush hour.

Niliwanag din ng Phi­lippine Institute of Volcanology (Phivolcs) na ang volcanic smog mula sa Bulkang Taal ay napapadpad sa west-southwest direction at malayo sa direction ng Metro Manila.

Sinabi ni DOST Secretary Renato Solidum na ang smog sa Metro Manila at volcanic smog sa Taal Volcano ay walang kinalaman sa isa’t isa dahil ang smog sa Metro Manila ay likha ng“thermal inversion,” at ang smog sa Bulkang Taal ay volcanic gas.

DENR

SMOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with