^

Police Metro

Divorce bill, aprub sa Senate panel

Gemma Garcia - Pang-masa
Divorce bill, aprub sa Senate panel
Nakasaad din sa panukala na dapat ay nakalista ang grounds o ang batayan sa pakikipag-diborsyo ang limang taong tuluy-tuloy na paghihiwalay o mayroong patlang at walang judicial decree ng separation at ang pag-rape sa asawa matapos at bago ang kasal.
STAR / File

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng isang Senate panel ang consolidated measure na magbibigay-daan sa absolute divorce sa Pilipinas kahit maraming tutol na sekta sa panukala.

Bahagi ang pagtatakda ng diborsiyong Senate Bill No. 2443, na may layunin na palawakin ang kadahilanan sa paglusaw ng kasal.

Nakasaad din sa panukala na dapat ay nakalista ang grounds o ang batayan sa pakikipag-diborsyo ang limang taong tuluy-tuloy na paghihiwalay o mayroong patlang at walang judicial decree ng separation at ang pag-rape sa asawa matapos at bago ang kasal.

Kasama rin sa pwedeng grounds ng legal separa­tion ang nakasaad sa family code maliban na lamang sa pagiging lesbian o homosexual maliban na lamang kung aamin ang isa sa pag­tataksil.

Maaari rin dahilan sa pakikipagdiborsyo ang irre­concilable marital differences o ang hindi magkasundo ng mag-asawa kahit anong pagsisikap.

Sa ilalim din ng panukala kikilalanin na rin sa Pili­pinas ang diborsyo na nakuha sa ibang bansa at ang diborsyo na pinayagan na ng isang simbahan o religious entity.

Ang mga mag-asawa na maghahain ng diborsyo ay dapat may plano para sa suporta, kustodiya at living arrange­ment ng kanilang mga anak at papaaprubahan ito sa korte.

Habang ang mga mahihirap na gustong magdiborsyo ay bibigyan ng korte ng abogado, social worker, psychologist at psychiatrist at hindi na pagbabayarin ng filling fee.

Ang mga hindi naman magbibigay ng suporta sa kanilang mga anak ay pagmumultahin ng hanggang P300,000 at makukulong ng prison mayor.

vuukle comment

DIVORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with