^

Police Metro

Tatlong indibidwal na nagbebenta ng registered SIM cards, inaresto ng NBI

Mer Layson - Pang-masa
Tatlong indibidwal na nagbebenta ng registered SIM cards, inaresto ng NBI
Unang dinakip ng NBI agents sa isang convenience store sa Malibay, Pasay City si Beverly Cruz. Sunod sina Keone Gabrielle Lebumfacil at Aljon Christian Reyes na nahuli naman sa Pilar Road, Las Piñas City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Tatlong indibidwal na nagbebenta ng registered Subscriber Identity Mo­dule o SIM cards sa Pasay­ City at Las Piñas City ang naaresto ng National Bureau of Investigation-Cyber­crime Division.

Unang dinakip ng NBI agents sa isang convenience store sa Malibay, Pasay City si Beverly Cruz. Sunod sina Keone Gabrielle Lebumfacil at Aljon Christian Reyes na nahuli naman sa Pilar Road, Las Piñas City.

Dinakip ang tatlo sa isinagawang entrapment operation ng NBI agents.

Bago ito, nakatanggap ng impormasyon ang NBI kaugnay sa bentahan ng registered SIM cards sa Facebook. Partikular na tinukoy ang SIM Card Philippines Buying and Selling Group.

Ayon sa NBI, ang mga ibinebentang registered SIM cards ay ginagamit di umano sa panloloko tulad ng online scams.

Kasong paglabag sa SIM Registration Act Cybercrime Prevention Act of 2012 ang isinampa na sa tatlong indibidwal sa Pasay City Prosecutor’s Office at Las Piñas City Prosecutor’s Office.

NBI

SIM CARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with