^

Police Metro

3 utas sa salpukan ng motorsiklo sa Cebu

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang nasawi nang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Transcentral Highway sa Brgy. Gaas, Balamban, Cebu nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina George Untalan, 54; Dominador Bragat Jr., 34; at ang kanyang backrider na si Kate Ponce.

Ayon kay P/Lieutenant Colonel Glenn Hife, hepe ng Balamban Police Station, binabagtas ng dalawang motorsiklo ang magkaibang direksyon na kung saan si Untalan ay mula sa kanluran at patungong Cebu City, habang si Bragat at Ponce ay patungong Balamban.

Pagdating sa pakurbang bahagi ng kalsada na may solid yellow lane ay sinibukan umano ni Untalan na mag-overtake sa isang sasakyan dahilan para makasalpukan niya ang motorsiklong minamaneho ni Bragat sa kabilang lane.

Tumalsik ang tatlong sakay sa motorsiklo at bumagsak sa sementadong kalsada na kung saan ay nagtamo ng ma­tinding pinsala sa katawan ang mga ito na dahilan ng kanilang kamatayan.

vuukle comment

BALAMBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with