^

Police Metro

Rapist/killer ni OFW Jullebee Ranara, hinatulan ng Kuwait court

Gemma Garcia - Pang-masa
Rapist/killer ni OFW Jullebee Ranara, hinatulan ng Kuwait court
Rapist/killer ni OFW Jullebee Ranara, hinatulan ng Kuwait court Gemma Garcia MANILA, Philippines — Hinatulan ng guilty ng Kuwaiti juvenile court ang amo na nasa likod ng pagpatay at panghahalay sa OFW na si Jullebee Ranara, 35. Ayon sa Department of Foreign Affairs, hinatulan ng 15 taong pagkakakulong ang akusado dahil sa kasong pagpatay at nakatanggap din ng isang taong sentensiya sa pagkakulong dahil sa pagmamaneho nang walang lisensya. Sinabi ng DFA na ang mas mababang parusa ay dahil sa pagiging menor de edad ng akusado. Mayroon siyang 30 araw para iapela ang hatol sa Court of First Instance. “The family of the OFW has been informed and is grateful for the assistance provided them by the government,” anang DFA. “The Philippine Go­vernment is similarly appreciative of the efforts un­dertaken by the Kuwaiti authorities to effect a speedy resolution of the case, in the pursuit of justice for our slain kababayan,” dagdag pa ng ahensya. Ang nasunog na katawan ng 35-anyos na si Ranara ay natagpuan sa disyerto noong Enero at naaresto ang 17-anyos na anak ng amo kaugnay ng krimen. Siya rin ay napa­ulat na nanggahasa at nakabuntis kay Ranara. Nangako ang Kuwaiti Minister of Foreign Affairs Sheikh Salem Abdullah Al-Jaber Al-Sabah noong Enero na mapaparusahan ang pumatay kay Ranara sa krimen.
Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Hinatulan ng guilty ng Kuwaiti juvenile court ang amo na nasa likod ng pagpatay at panghahalay sa OFW na si Jullebee Ranara, 35.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, hinatulan ng 15 taong pagkakakulong ang akusado dahil sa kasong pagpatay at nakatanggap din ng isang taong sentensiya sa pagkakulong dahil sa pagmamaneho nang walang lisensya.

Sinabi ng DFA na ang mas mababang parusa ay dahil sa pagiging menor de edad ng akusado. Mayroon siyang 30 araw para iapela ang hatol sa Court of First Instance.

“The family of the OFW has been informed and is grateful for the assistance provided them by the government,” anang DFA.

“The Philippine Go­vernment is similarly appreciative of the efforts un­dertaken by the Kuwaiti authorities to effect a speedy resolution of the case, in the pursuit of justice for our slain kababayan,” dagdag pa ng ahensya.

Ang nasunog na katawan ng 35-anyos na si Ranara ay natagpuan sa disyerto noong Enero at naaresto ang 17-anyos na anak ng amo kaugnay ng krimen. Siya rin ay napa­ulat na nanggahasa at nakabuntis kay Ranara.

Nangako ang Kuwaiti Minister of Foreign Affairs Sheikh Salem Abdullah Al-Jaber Al-Sabah noong Enero na mapaparusahan ang pumatay kay Ranara sa krimen.  

JULLEBEE RANARA

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with