^

Police Metro

Ressa at Rappler, abswelto ulit sa tax evasion case

Mer Layson - Pang-masa
Ressa at Rappler, abswelto ulit sa tax evasion case
Nobel laureate Maria Ressa leaves the Pasig City Regional Trial Court (RTC) after she and Rappler Holdings Corporation (RHC) were acquitted of tax evasion charges on September 12, 2023.
Star/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Muling inabsuwelto ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) si Nobel Laureate Maria Ressa at Rappler Holdings Corporation (RHC) sa tax evasion case na inihain laban sa kanila bunsod ng umano’y pag­kabigong magdeklara ng buwis noong 2015.

Ayon sa abogado ni Ressa na si Atty. Francis Lim, pinawalang-sala ni Pasig RTC Branch 157 Presiding Judge Ana Teresa Cornejo-Tomacruz, si Ressa at RHC sa kasong paglabag sa Section 255 ng National Internal Revenue Code (Tax Code), sa promulgasyon na isinagawa kahapon.

Aniya, dahil sa panibagong acquittal, umaabot na sa limang tax evasion case ang nalusutan ni Ressa at ng RHC.

Laking pasalamat naman ni Ressa at ng RHC dahil sa pag-abswelto sa kanila ng hukuman sa kinakaharap na kaso.

Si Ressa, 59, ay kasalukuyang nakalalaya dahil sa piyansa, na-convict noong 2020 sa kasong cyber libel.

MARIA RESSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with