Bagyong Hanna naging typhoon category na
MANILA, Philippines — Lumakas pa at naging typhoon category na ang bagyong Hanna.
Ito ay batay sa 11:00 a.m. advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan ang sentro ng bagyo 785 kilometro silangan hilagang-silangang bahagi ng Itbayat, Batanes.
Kumikilos ang bagyo sa kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Taglay ng bagyo ang hangin na 120 kilometro kada oras at pagbugso na 150 kilometro kada oras.
Wala pa namang itinataas na Tropical Cyclone Wind Signal ang PAGASA.
Si Hanna ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa linggo ng umaga.
Makararanas ng pag-ulan ang kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw dahil sa Southwest monsoon na pinalakas ng bagyong Hanna, Saola na dating Goring at Severe Tropical Storm Kirogi.
- Latest