^

Police Metro

11-buwang gulang sanggol nahulog sa balon, nalunod

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuan ng ina ang kanyang 11 buwang gulang na sanggol matapos itong mahulog at malunod sa isang balon na malapit sa kanilang bahay sa Brgy. Tres Cruses, Tanza, Cavite.

Kinilala ang sanggol na si Sarah Mae Baranda, residente ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, bago nadiskubre ang bangkay ng sanggol, alas-11:00 ng umaga magkakasama sa loob ng bahay ang mag-iina kabilang ang sanggol na noon ay nakahiga  at kapatid nitong 5 taong gulang.

Ayon sa ina ng biktima na si Mergielyn Peregrino, iniwan umano niya ang dalawang anak hinggil sa bibili lamang umano ito ng kanilang pagkain sa tindahan na lingid sa kanyang kaalaman ay sumunod sa kanya ang 5 taong gulang na anak kung kaya naiwang mag-isa ang sanggol.

Agad naman umano silang bumalik pagkabili ng pagkain, subalit pagpasok sa bahay ay wala na sa higaan ang sanggol.

Agad nila itong hinanap hanggang sa matagpuan itong nakalutang sa balon, kaya’t mabilis na dinala sa ospital, subalit idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

DROWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with