2 drug dealer timbog sa higit P4.5 milyong shabu
MANILA, Philippines — Dalawa umanong bigtime drug dealer ang naaresto ng mga otoridad sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite at nakumpiska ang nasa mahigit P4.5 milyong shabu.
Kinilala ang mga suspek na sina Pangadapon Maondan Macatiwas, nasa hustong gulang at nasa newly identified drug list, residente ng Brgy. Paliparan I; at Mhine Maamor Binthadjirsaul, alias Almaida, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Sampaloc, at nasa high value individual target ng pulisya.
Sa ulat, alas-12:30 ng hatinggabi sa kasagsagan ng Bagyong Goring ay ikinasa ang buy-bust operation sa Brgy. Paliparan 1, laban kay Macatiwas at narekober ang may 5 plastic sachet na naglalaman ng mga shabu na may timbang na mahigit 600 gramo at aabot sa P4,080,000.
Naaresto naman, alas-5:00 ng hapon si Binthadjirsaul sa buy-bust operation sa nasabing lugar at narekober ang may 2 plastic sachet na naglalaman ng shabu at may timbang na mahigit sa 75 gramo na aabot sa halagang P510,000.00.
- Latest