Huling istasyon ng LRT-1, tatawagin nang ‘FPJ’
MANILA, Philippines — Simula sa Agosto 29, tatawagin ng Fernando Poe Jr. Station ang huling istasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) na dating Roosevelt Avenue station bilang pagkilala sa naging ambag sa Pelikulang Pilipino ng namayapang aktor , director, producer at writer.
Ito ay bunsod na rin sa umiiral na batas na RA 11608 na siyang nagpalit sa Roosevelt Avenue na nasa unang distrito ng Quezon City bilang Fernando Poe Jr. (FPJ) Avenue.
Dahil ang FPJ Avenue ay final stop ng LRT-1, ito ay tatawagin na ring Fernando Poe Jr. Station ng tren.
Magugunita na taong 2006 nang ideklara ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo si FPJ bilang “National Artist for Cinema”.
Tumanggap din ang pamilyang Poe ng Posthumous recognition noong 2012 sa panahon ng administrasyong Aquino dahil sa mga tanyag sa pelikula ni FPJ.
- Latest