^

Police Metro

4.4K law enforcers ipakakalat sa FIBA — PNP

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 4,400 law enforcement officers ang ipakakalat sa Metro Manila at Central Luzon kasabay ng FIBA Basketball World Cup 2023.

Ayon kay Police spokesperson PCol. Jean Fajardo, kasama sa natu­­rang bilang ang mga tauhan­ mula sa Philippine Na­tional Police (PNP), Armed Forces of the Philippines, Philippine Red Cross, at Philippine Coast Guard.

Ani Fajardo, ang mga ito ay ipakakalat sa mga lugar na mapupuno ng tao kabilang na ang mga pla­ying venue.

Ilan sa mga tinukoy na venue ay ang Philippine Arena, Araneta Coliseum, at SM Mall of Asia Arena.

“Asahan natin na maglalagay tayo ng sufficient personnel para siguraduhin ang kaligtasan at seguridad ng hindi lamang ng ating participants or dele­gates, pati na rin ng ating audience,” dagdag niya.

Nauna nang sinuspinde ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pasok sa mga pampublikong opisina at paaralan sa lahat ng antas sa Metro Manila at Bulacan para magbigay-daan sa opening rites ngFIBA Basketball World Cup sa Philippine Arena.

Ang opening ceremony ay nakatakda sa Agosto 25, kung saan ang Gilas Pilipinas ay haharap laban sa Dominican Republic.

FIBA BASKETBALL WORLD CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with