^

Police Metro

Pagbawi sa Oil Deregulation Law inihain sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa
Pagbawi sa Oil Deregulation Law inihain sa Kamara
Nagsagawa ng protesta ang mga miyembro ng transport na PISTON laban sa lingguhang pagtaas sa presyo ng krudo sa bansa sa harap ng isang gas station sa East Avenue, Quezon City.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Upang matugunan ang pagtataas sa presyo ng krudo ay isang panukalang batas ang inihain sa Kamara upang bawiin ang Oil Deregulation Law.

Naghain kahapon si House Deputy Majority Leader Rep.Erwin T. Tulfo at kanyang mga kasamahan mula sa ACT-CIS partylist at iba pang mambabatas, ng isang panukala upang i-repeal ang Republic Act No. 8479 o The Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1997, na mas kilala bilang Oil Deregulation Law.

Sa apat-pahinang House Bill No. 8898 na nilagdaan ni Tulfo, at kanyang mga colleagues mula sa ACT-CIS partylist na sina Reps. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, at Benguet Rep. Eric Yap, ipinakilala nila ang “Act Establishing the Budget ng Bayan Para sa Murang Petrolyo” (BBMP), para i- repeal ang Oil Deregulation Law.

Tinuligsa rin ni Rep. Tulfo sa kanyang privilege speech na ang umiiral na batas ay tina­wag na useless o walang pa­kinabang dahil nalinlang ang taumbayan sa pagpasa ng batas na ito dahil sa paniwala noon na magpapababaan ng presyo ang mga kumpanya ng langis kapag hindi na raw hawak o kontrolado ng gob­yer­no ang pagpapresyo sa pro­dukto ng petrolyo.

Isa anyang kahibangan ang nasabing batas dahil sa halip na magpababaan ng presyo ngayon, ay nag-uusap-usap ang malalaking kumpanya ng langis kung gaano kalaki at magkano ang itataas nila Linggu-Linggo.

Sinabi ni Tulfo na layunin ng panukala na i-repeal ang Oil Deregulation Law upang mai­tatag muli ang government price control sa fuel pump prices at matugunan ang negatibong impact ng ma­dalas at big­laang pagpapalit ng presyo ng fuel sa mga consumers.

OIL DEREGULATION LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with