^

Police Metro

Dagdag-buwis itutuloy sa susunod na taon

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Para maisulong ang mga pangunahing reporma na mahalaga para sa mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ay itutuloy pa rin ng pamahalaan ang pagpapataw ng mga dagdag na buwis para sa susunod na taon.

Sa budget briefing ng Senate Committee on Finance na pinamumunuan ni Senador Sonny Angara para sa 2024 National Expenditure Program (NEP) ay sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ipagpapatuloy nila ang pakikipagtulungan sa Kongreso para maisulong ang pagpapasa sa mga natitirang tax reform packages ng nakaraang administrasyong Duterte at mga bagong tax measures sa ilalim ng kasalukuyang Marcos administration.

Kabilang sa mga itinutulak na  dagdag na buwis ay ang Package 4 o ang Passive Income and Financial Intermediary Taxation; Excise tax sa single-use plastic;Rationalization of mining fiscal regime; Motor vehicle road users tax; excise tax para sa matatamis na inumin at junkfoods; buwis sa pre-mixed alcohol at VAT sa digital service providers.

Target naman na aprubahan ngayong 19th Congress ang pitong panukala para sa mga nabanggit na dagdag na buwis bilang suporta sa medium-term fiscal framework.

Sinabi pa ni Diokno na kapag naipatupad ang mga tax measures na ito ay makakalikom ang gobyerno ng P120.5 billion na dagdag sa kita para sa taong 2024.

Pagnagtuluy-tuloy ay tataas pa umano ang makokolektang buwis dito sa P152.2 billion sa 2025 at P183.2 bilyo sa 2026.

BUWIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with