^

Police Metro

Taguig Mayor Lani mainit na tinanggap ng mga paaralan sa EMBO barangays

Mer Layson - Pang-masa
Taguig Mayor Lani mainit na tinanggap ng mga paaralan sa EMBO barangays
Mainit na tinanggap si Taguig city Mayor Lani Cayetano ng mga opisyal ng paaralan, guro, magulang, volunteer at mga estudyante mula sa EMBO barangays sa pagsisimula kahapon ng Brigada Eskwela program.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Mainit ang naging pagtanggap kay Taguig City Mayor Lani Cayetano ng mga opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon, mga principal ng paaralan, mga guro, mga estudyante, mga magulang at mga volunteer sa panimula ng programa ng Brigada Eskwela ng mga paaralan sa mga EMBO barangay na dating hawak ng Makati City.

Pangako ng lokal na pamahalaan ng Taguig na suportahan ang mga paaralan sa mga EMBO barangay sa kanilang pagbubukas ng school year.

Humiling ito sa mga opisyal at miyembro ng General Parents Teachers Association na magkaroon ng pang-unawa at pasensya habang nagaganap ang transisyon o ang proseso ng paglipat, at ipinangako na makikipagtulungan siya nang malapit sa mga school head at opisyal ng division upang tugunan ang mga pangunahing alalahanin ng mga guro at estudyante.

Idinagdag niya na ang pamahalaang Taguig ay naghanda sa mga school kit na ipamamahagi sa mga mag-aaral sa lalong madaling panahon. Ang mga volunteer ang nanguna sa pag-ikot sa iba pang mga paaralan sa EMBO na inilipat sa Taguig alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng naipanalong territorial issue sa pagitan ng Taguig at Makati.

LANI CAYETANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with