171 Chinese inmates sa Bilibid inilipat sa Sablayan Prison
MANILA, Philippines — Inilipat patungong Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro ang nasa 171 Chinese inmates na kabilang sa 493 persons deprived of liberties (PDLs) mula sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.
Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. na nagmula lahat ng inmates na inilipat sa ‘maximum security compound’ at ang aksyon ay bahagi ng kanilang ‘decongestion program.
Higit sa 1,000 na umano ang mga PDL na nailipat palabas ng Metro Manila at marami pang susunod sa oras na matapos ang konstruksyon ng mga jail facilities sa Davao, Iwahig, Leyte at San Ramon Prison and Penal Farms ngayong taon.
- Latest