^

Police Metro

Pinoy na may trabaho, tumaas-PSA

Angie dela Cruz - Pang-masa
Pinoy na may trabaho, tumaas-PSA
Hundreds of job seekers flock to a mall in Marikina City to apply for jobs during a job fair held on June 12, 2023 in celebration of Independence Day.
Jesse Bustos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Iniulat ng Philippine Statistic Authority (PSA) na tumaas ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho nitong buwan ng Hunyo ngayong taon.

Sa ulat ng PSA, umakyat sa 95.5% ang employment rate o katumbas ng 48.84 milyong Pilipino na may traba­ho sa bansa.

Ito ay may mahigit kalahating milyon  na nagkatrabaho mula buwan ng  Mayo hanggang nitong Hunyo o mas ma­taas sa 2.25 milyon  ng Hunyo ng 2022.

Ang wage and salary earners ang nananatiling bumu­buo ng pinakamalaking bahagi ng employed na nasa 61.5%.

Mas mataas naman ang employment rate ng mga kalalakihan na naitala sa 95.7% kumpara sa employment rate ng mga kababaihan na nasa 95.1%.

Bahagya namang umakyat sa 4.5% ang unemployment rate nitong Hunyo mula sa 4.3% noong Mayo nga­yong taon.

Gayunman, mas mababa pa rin ito kung ikukumpara sa 6% na unemployment rate noong Hunyo ng 2022.

Ang underemployment rate naman o bilang ng mga manggagawang hindi napapasweldo ng sapat at nasa tra­bahong hindi angkop sa kanilang kakayahan ay naitala sa 12%.

PHILIPPINE STATISTIC AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with