^

Police Metro

Street vendors bawal ding sumilong sa footbridge/overpass

Ludy Bermudo - Pang-masa

‘Di lang riders...

MANILA, Philippines — Hindi lang mga motorcycle riders ang huhulihin ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) na sumisilong sa ilalim ng mga footbridge at flyover kundi maging ang mga street vendors.

Ito ang sinabi kahapon ni MMDA director for traffic enforcement group, Atty. Victor Nuñez, sa televised Laging Handa public briefing nitong Biyernes.

Aniya, may departamento ang MMDA na nag-o-operate at nagmomonitor ng street vendors dahil iligal, walang permit para magtinda, at sagabal ang mga ito sa pagdaloy ng trapiko.

Una nang nagbabala si MMDA chairman Romando Artes na huhulihin at magmumulta ng P1,000.00 ang motorcycle riders na sisilong sa ilalim ng flyovers at footbridges kapag umuulan.

Nagdudulot umano ito ng pagbagal ng daloy ng trapiko lalo na kung nagkukumpulan na kumakain ng 2-3 lane at nagiging obstruction sa mga pangu­nahing lansangan at mapanganib pa para sa mismong mga riders at ibang motorista lalo na kung zero visibility dahil sa lakas ng buhos ng ulan.

Nangako naman si Artes na muling makiki­pag-ugnayan sa mga gasoline station sa EDSA na magtayo ng tents para may silungan ang mga riders, matapos ilan ang nagpahayag ng pangamba­ na delikado rin ang pagpapatambay sa mga riders­ na gumagamit ng cellphone na hindi dapat gawin dahil sa mga imbak na gas.

FOOTBRIDGE

OVERPASS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with