^

Police Metro

Magkapatid na paslit nasawi sa nilutong halamang ligaw

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Magkapatid na paslit nasawi sa nilutong halamang ligaw
yon kay Dr. Dulce Miravite, City Health Off­icer, pagkalason ang naging sanhi ng agarang kamatayan ng 1-anyos habang ang kanyang kuya na 3-taon gulang ay binawian din ng buhay kinabukasan at isa pang kuya na 7-anyos ay patuloy na inoobserbahan sa ospital dahil sa  maselang kalagayan.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang magkapatid na paslit ang nasawi habang nasa kritikal na kalagayan ang isa pa nilang kapatid matapos malason sa kinain nilang pinakuluang ligaw na halaman na inihain ng kanilang lola, noong Lunes sa Zamboanga City.

Ayon kay Dr. Dulce Miravite, City Health Off­icer, pagkalason ang naging sanhi ng agarang kamatayan ng 1-anyos habang ang kanyang kuya na 3-taon gulang ay binawian din ng buhay kinabukasan at isa pang kuya na 7-anyos ay patuloy na inoobserbahan sa ospital dahil sa  maselang kalagayan.

Nabatid na ang ina ng mga bata ay nakilalang si Fatima Gaddung ay iniwan lamang ang mga anak nito sa kanilang lola na sinasabing may sakit sa pag-iisip.

Hinala ng CHO na ang mga biktima ay nalason sa kinain na pinakuluang dahon ng ligaw na hala­man na lokal na kilala bilang “Maria Maria” o “Baggong.”

Pagkatapos kainin ng mga bata ang pinakuluang dahon, unang nagpakita ng senyales ng pagkalason ang isang taong gulang na paslit at agad binawian ng buhay.

Ganun din ang dalawa pang bata at sumunod na namatay ang 3-anyos habang ang 7-anyos ay nasa kritikal na kondisyon sa isang ospital sa nasabing lungsod.

Nabatid na ang ama ng magkapatid ay umalis patungong Malaysia walong buwan na ang nakalilipas at hindi na nakipag-ugnayan sa pamilya mula noon.

Pinayuhan ni Miravite ang mga residente na nakatira sa mga bulubunduking bahagi na huwag kumain ng hindi kilalang mga halaman at halamang gamot upang maiwasan na malason na nauuwi sa pagkamatay.

vuukle comment

LASON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with