^

Police Metro

Cessna plane bumagsak: 2 patay

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Cessna plane bumagsak: 2 patay
Cessna plane
Pixabay

MANILA, Philippines — Natagpuan na ang nawawalang Cessna plane na bumagsak kamakalawa ng hapon sa hangganan ng Brgy. Salvacion, Luna at San Mariano Pudtol, Apayao na kung saan patay ang dalawang sakay nito.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Apayao Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Jeoffrey Borromeo.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Phi­lippines (CAAP) na ang RPC-8598 Cessna 152 aircraft ay nawala nang ito ay nag-take off mula sa Laoag City.

Batay sa paunang im­pormasyon, dalawang­ eroplano ang nag-take off sa Laoag City airport, alas-12:16 ng hapon kamaka­lawa papunta sa Tugue­garao City Airport, ngunit isa lang ang nakarating, ala-1:11 ng hapon ng Martes sa nasabing airport.

Huling namonitor ang eroplano sa 32 nautical miles mula sa bayan ng Alcala, Cagayan.

Naniwala naman ang mga otoridad na posibleng nagkaroon ng emergency landing o bumagsak ang naturang eroplano sa bahagi ng Apayao, Kalinga o sa Abra.

Ang nasabing Cessna plane ay pagmamay-ari ng Echo Air International Aviation Academy Inc.

CESSNA PLANE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with