Lalawigan ng Quezon, umangat sa serbisyong pangkalusugan, proyekto
MANILA, Philippines — Sa unang taon nang panunungkulan, ibinida ni Quezon Governor Angelina “Helen” Tan ang paghahatid ng iba’t ibang proyekto at programa gayundin ang mga serbisyong pangkalusugan.
Sa halos dalawang oras na “Ulat sa Lalawigan”, iginiit ni Gov. Tan na ang lahat ng kanyang nagawa partikular na ang kanyang HEALING agenda at mga dapat pa niyang gawin para sa paglaban sa kahirapan sa probinsya ng Quezon.
Sa ilalim umano ng kanyang pamamahala, ang makabuluhang pagsulong sa mga serbisyo partikular sa mga usapin na may kinalaman sa kalusugan, edukasyon, agrikultura, kabuhayan, imprastraktura, kalikasan at kapaligiran, turismo at mabuting pamamahala.
Inihayag din ng gobernadora ang pagsasaayos at paglalagay ng mga karagdagang pasilidad sa Quezon Medical Center (QMC) kaya nabigyan na ng DOH na level 3 para sa konstruksyon.
Naipatupad din ang Konsultasyong Sulit at Tama o Konsulta Package ng PhilHealth kung saan maaaring ma-access ng mamamayan ang mga preventive care services kasama na rito ang pagbibigay ng mga libreng gamot at laboratory tests para sa out-patient na consultations.
Iniulat ni Tan na mula sa dating baon sa utang na provincial government ay marami pa rin silang nagawa kasama na rito ang pagbibigay ng college scholarship program, pagbuo ng 31 kooperatiba para sa mga magniniyog alinsunod sa Coconut Farmers Industry Development Program; at iba’t ibang proyektongpang-imprastraktura.
- Latest