^

Police Metro

Nawawalang PDL sa NBP, 1 pa, nadiskubre sa septic tank

Ludy Bermudo - Pang-masa
Nawawalang PDL sa NBP, 1 pa, nadiskubre sa septic tank
Batay sa inilabas na pahayag ng Bureau of Corrections (BuCor), hiningi nila ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) Forensic Science Research Service para tulungang kilalanin ang bangkay ng nawawalang si Michael Cataroja, matapos matukoy na nasa loob ng septic tank, sa pamamagitan ng K9 Force ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagsagawa ng search and rescue noong Biyernes.
STAR / File

MANILA, Philippines — Matapos ang pagkawala ng isang person deprived of liberty (PDL), nadiskubre ang katawan nito at isa pang bangkay na pinaniniwalaan ding preso ang nadiskubre sa loob ng septic tank sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, ayon sa ulat kahapon.

Batay sa inilabas na pahayag ng Bureau of Corrections (BuCor), hiningi nila ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) Forensic Science Research Service para tulungang kilalanin ang bangkay ng nawawalang si Michael Cataroja, matapos matukoy na nasa loob ng septic tank, sa pamamagitan ng K9 Force ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagsagawa ng search and rescue noong Biyernes.

Unang ipinaamoy sa aso ang damit ng nawawalang si Cataroja at itinuro ng aso ang septic tank sa Quadrant 3 Dorm 8 sa NBP. Dito nadiskubre ang isa pang bangkay na hinihinala ring preso.

Si Cataroja ay nakulong sa NBP noong Hulyo 26, 2022 matapos mahatulan ng 10-12 taong pagkakakulong sa paglabag sa Presidential Decree 1612 (Anti-Fencing Act Law) habang may nakabinbin pa siyang kasong carnapping sa Antipolo Regional Trial Court Branch 71.

Umaga noong Hulyo 15, 2023 nang hindi na makita si Cataroja sa headcount o imbentaryo ng mga PDLs.

Nakipag-ugnayan din ang BuCor sa PNP para sa manhunt laban kay Cataroja sa hinalang nakapuga at tinungo ang ka­niyang bahay sa Sitio Manahan Bato, Brgy. Don Mariano, San Isidro, Antonio, Rizal subalit hindi nakipagtulungan ang ina nito at sa halip ay umuwi ng kanilang probinsya.

Pinaniniwalaan ding marami pang bangkay na nasa loob ng septic tank.

SEPTIC TANK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with