^

Police Metro

Sen. Bato ‘di bibiyahe sa mga bansang miyembro ng ICC

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kahit maglabas pa ng warrant of arrest o summons kaugnay sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay walang balak na bumiyahe si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga bansang miyembro ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Dela Rosa, dededmahin lamang niya ang nasabing isyu kahit pa ibinasura ng Appeals Chamber ng ICC ang apela ng Pilipinas na itigil ang imbestigasyon.

“Wala lang deadma lang,” pahayag ni Dela Rosa nang tanungin kung ano ang susunod na hakbang.

Sinabi ni Dela Rosa na mananatili lamang siya sa Pilipinas dahil wala na siyang kontrol kapag lumabas at magtungo sa mga bansa na kasapi ng ICC kung saan maaari aniya siyang arestuhin.

Muling iginiit ni Dela Rosa na walang jurisdiction sa bansa ang ICC at susunod lamang siya sa pamumuno ng kasaluku­yang administrasyon.

Si Dela Rosa ang hepe ng Philippine National Police nang ilunsad ang madugong war on drug ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay Dela Rosa, inilunsad nila ang kampanya laban sa ilegal na droga upang protektahan ang mga mamamayan.

Ayon sa mga prosecutors ng ICC, nasa pagitan ng 12,000 hanggang 30,000 ang namatay sa kampanya laban sa ilegal na droga. - Danilo Garcia

vuukle comment

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with