Mas mabilis na pagnenegosyo sa Pinas, asahan na - Marcos
MANILA, Philippines — Asahan na ang mas mabilis at maayos na mga proseso sa pagnenegosyo sa Pilipinas.
Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order No. 18 o Green Lanes for Strategic Investments na maghihikayat ng higit na pamumuhunan sa bansa.
Sinabi ng Pangulo na ang EO 18 ay resulta ng patuloy na konsultasyon sa business sector kung saan ipinunto niya ang kahalagahan na palakasin ang kompetisyon sa merkado at mabawasan ang mga problema sa pagnenegosyo.
Matagal na anyang dapat ginawa ang nasabing hakbang upang makahikayat ng mga mamumuhunan sa bansa.
“It is long overdue to have reforms that will not only attract more investments into the country but will also create an environment conducive to business growth and development. So today, we take a huge leap forward, ushering in a new era of efficiency and collaboration within and without,” sabi ni Marcos.
Ayon sa Pangulo, makikipagsabayan na ang Pilipinas sa mga kapitbahay na bansa sa Southeast Asia sa pagbibigay ng mabilis at simpleng proseso sa pagnenegosyo.
“The requirements for investors to come in completely put our systems in the shade. Whereas some permits take – well I’m sure you will recognize the – when I describe them, there are some permits that take 36 months to complete. Whereas you go to Thailand, you go to Indonesia, you go to Vietnam, they take two weeks to complete,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Inilabas noong Pebrero 23, 2023, ang EO 18 ay bahagi ng eight-point agenda ng administrasyong Marcos, na nag-uutos sa lahat ng tanggapan ng gobyerno, kabilang ang mga local government units (LGUs), na pabilisin ang mga proseso sa pag-iisyu ng mga permit, lisensya, at sertipikasyon na kinakailangan mapadali ang pamumuhunan.
- Latest