^

Police Metro

Bulkang Mayon nagbuga ng 1,128 tonelada ng sulfur dioxide

Mer Layson - Pang-masa
Bulkang Mayon nagbuga ng 1,128 tonelada ng sulfur dioxide
Photo of the Mayon Volcano crater at around 7:00 PM last Friday, 9 June 2023, exhibiting crater glow or "banaag" around its summit lava dome.
AFP / Charism Sayat

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na umabot na sa 1,128 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinubuga ng Bulkang Mayon noong Martes na mas mataas kumpara sa 721 tonelada lamang na naitala noong Lunes.

Nakapagtala rin ang bulkan ng 24 volcanic earthquakes na mas ma­taas din mula sa dating tatlo lamang. Naob­serbahan din naman ng Phivolcs ang may 423 rockfall events at walong pyroclastic density current (PDC) events ang bulkan, patuloy pa rin ang mabagal na pagdaloy ng lava na may habang 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.4 kilometro naman sa Bonga Gully.

Nagkaroon din ng pagguho ng lava sa Basud Gully na hanggang apat na kilometro mula sa crater ng bulkan na patuloy pa ring namamaga.

Naitala rin ng Phivolcs ang 750 metrong taas ng plumes o katamtamang singaw, na napapadpad sa kanluran-timog-kanluran habang nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang bulkan.

Mahigpit ang paala­la ng Phivolcs na ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 6-km radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan at pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw nito.

BULKANG MAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with