^

Police Metro

Lalaki na inaresto sa indiscriminate firing, tumalon sa ika-3 palapag ng Manila City Hall

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang lalaki na unang inaresto dahil sa pagpapaputok ng baril ang tumalon sa ikatlong palapag ng Manila City Hall habang ito ay dinadala sa piskalya, kahapon ng umaga. Batay sa kuha ng CCTV ng Manila City Hall, alas-11:00 ng umaga ay makikitang nag­lalakad ang suspek na si Lyle Adams Fernandez y Yanguas, 32, construction worker sa pasilyo ng gusali kasama ang dalawang pulis na kanyang escort na nasa unahan.

Nabatid na nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa opisina ni Assistant City Prosecutor Glen R Romano ang suspek nang tumalon sa ikatlong palapag.

Itinakbo ng MDRRMO Rescue Team ang suspek sa Philippine Ge­neral Hospital na patuloy na ginagamot matapos mabali ang kanang binti at magtamo ng mga sugat.

vuukle comment

INDISCRIMINATE FIRING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with