^

Police Metro

PNP task force tututukan ang pamamaril sa photojournalist

Doris Franche-Borja - Pang-masa
PNP task force tututukan ang pamamaril sa photojournalist
Ang sasakyan ni Remate photojournalist Joshua Abiad na tadtad ng bala matapos na sila ay pagbabarilin kasama ang mga kaanak kamakalawa ng hapon sa kanto ng Corumi at Gazan streets, Barangay Masambong, Quezon City.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Isang special investigation task group (SITG) ang binuo ng Philippine National Police (PNP) upang tutukan ang pamamaril na nagresulta sa pagkasugat ni Rene Joshua Abiad, photojournalist at apat na iba pa nitong Huwebes ng hapon sa Quezon City.

Ayon kay PNP Public Information Office chief PBGen. Redrico Maranan, pinamamadali ni PNP chief PGen. Benjamin Acorda Jr., ang imbestigasyon upang matukoy ang salarin.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa braso si Rene Joshua habang dalawang tama naman ng bala sa ulo at panga ang tumama sa kapatid nito na si Renato na nasa kritikal na kondisyon.

Kritikal din ang kon­disyon nina Reese, 4 at Caiden Abiad, 8, kapwa anak ni Renato. Habang tinamaan naman ng ligaw na bala ang bystander na si Jeffrey Ngo Cao, 47.

Ligtas naman ang mag-ina ni Joshua na sina Elizabeth, 37 at Raine Aeunice, 6 at misis ni Renato na si Cheryl Abiad, 42.

Tiniyak ni Maranan na himaymayin ang mga impormasyon at bibigyan ng hustisya ang ambush incident.

Nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa pamilya Abiad upang matukoy ang motibo ng ambush.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon ng QCPD na plaka ng isang Honda Civic ang ginamit sa To­yota Vios ng mga suspek.

Nangyari ang insidente, alas-3 ng hapon sa tapat ng bahay ng mga biktima sa Corumi St., Brgy. Masambong, Quezon City.

JOURNALIST KILLINGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with