^

Police Metro

Mayon nananatiling kalmado — PHIVOLCS

Angie dela Cruz - Pang-masa
Mayon nananatiling kalmado — PHIVOLCS
The Mayon Volcano emits white smoke as seen from Legazpi, Albay on June 17, 2023 amid maintaining Alert Level 3 status.
STAR / Edd Gumban

Pero may 299 rockfall events…

MANILA, Philippines — Sa nakalipas na 24 oras ay nananatiling kalmado ang Bulkang Mayon makaraang walang maitalang volcanic earthquake ang PHIVOLCS.

Sa kabila nito, naitala naman ang 299 rockfalls at walong dome-collapse pyroclastic density current (PDC) events sa “very slow” na lava effusion.

Bagama’t walang na­italang pagyanig, mas mataas ang bilang ng PDC events kumpara sa pitong PDC events na iniulat nitong Miyerkules, Hunyo 21.

Ayon sa PHIVOLCS, nagkaroon ng dalawang mabagal na pagdaloy ng lava mula sa bunganga ng bulkan partikular na sa Mi-isi gully na may habang 2.5 kilometro, at 1.8 kilometro naman sa Bonga gully.

Namataan naman na 3.3 kilometro mula sa crater ang lava collapse sa dalawang gullies.

Dagdag pa, nagkaroon din ng katamtamang pagbuga ng abo na umabot sa 750 metro ang taas.

Tumaas din sa 574 tons ang sulfur dioxide emission mula sa bulkan nitong Miyerkules, kumpara sa 507 tons nitong Martes.

Sa kasalukuyan ay nasa ilalim pa rin ng Alert Level 3 ang Bulkang Mayon.

BULKANG MAYON

PHIVOLCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with