^

Police Metro

Mga kumpanya na gumagamit ng pekeng resibo inireklamo sa DOJ

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsampa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice ng mga kaso laban sa ilang mala­laking kompanya na gumagamit ng mga pekeng resibo.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo “Jun” Lumagui, nasa P18 bilyon ang nalugi sa gobyerno mula sa tatlong kompanyang inireklamo.

Kabilang dito ang kumpanya na kilalang gumagawa ng mga sapatos at iba pang footwear, gayundin ang steel corporation at isang resources company.

Sinabi ni Lumagui na sabit rin sa reklamo ang accountants ng mga naturang kompanya.

Kumbinsido si Lumagui na sindikato ang nasa likod ng bentahan at bilihan ng mga pekeng resibo.

Naniniwala si Lumagui na ang may-ari ng mga kom­panya ay nasa likod din ng pag­gawa ng fake receipts.

Tiniyak naman ni Lumagui na tuluy-tuloy ang pag­­habol ng BIR National Task Force – Run After Fake Transactions sa mga indibidwal at kompanyang luma­labag sa batas, at umiiwas sa pagbabayad ng tamang buwis.

RECEIPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with