^

Police Metro

Marcos sa DA, BFAR: Tugunan ang ilegal at unregulated fishing

Malou Escudero - Pang-masa
Marcos sa DA, BFAR: Tugunan ang ilegal at unregulated fishing
This handout photo shows the Philippine National Police Maritime Group apprehending a vessel for illegal fishing in municipal waters in Tawi-Tawi.
Oceana, handout

MANILA, Philippines — “Bumuo ng komprehensibong pag-aaral sa rehabilitasyon at pagpapanatili ng mga marine habitats sa bansa upang matugunan ang mga ilegal, hindi naiulat, at unregulated fishing (IUUF).

Ito ang naging kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Agriculture (DA) at ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Binigyang-diin ni  Marcos, na siya ring  Kalihim ng DA, sa isang pulong ang panganga­ilangan ng Pilipinas na sumunod sa mga international commitments partikular sa European Union sa pagpigil sa IUUF.

Dahil dito, inatasan ang DA at ang BFAR na makipagtulungan sa Office of the Executive Secretary para gumawa ng mga kinakailangang hakbang para ipatupad ang Fisheries Administrative Order (FAO) No. 266, series of 2020, kung saan inaatasan ang mga  commercial fishing vessels (CFVs) na mag-install ng mga vessel monitoring system (VMS).

Inatasan din ang DA at ang BFAR na pag-aralan ang pagtatatag ng Strategic Agriculture and Fisheries Development Zones (SAFDZ) upang mabigyan ang mga stakeholder ng pangisdaan ng lugar para sa sustainable fishing at repasuhin ang mga lisensya ng mga CFV na hindi sumusunod sa FAO No. 266, series ng 2020.

BFAR

ILLEGAL FISHING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with