^

Police Metro

Daloy ng lava ng Mayon umabot na sa 2.5 kilometro

Angie dela Cruz - Pang-masa
Daloy ng lava ng Mayon umabot na sa 2.5 kilometro
Mayon volcano continues to spew lava on June 14, 2023 in Albay.
STAR/ Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na umaabot na sa 2.5 kilometro ang haba ng lava flow mula sa Bulkang Mayon sa Mi-isi Gully at 1.8 kilometro sa Bonga Gully sa nakalipas na 24 oras.

Habang nasa 3.3 kilometro naman ang pagguho ng lava mula sa bulkan.

Ayon pa sa Phivolcs, isang volcanic earthquake at 301 na rockfall events at dalawang pyroclastic density current events ang naitala at nasa 389 tonelada ng asupre naman ang ibinuga ng bulkan.

Nasa 800 metrong taas ng plume naman ang ibinuga ng bulkan na napadpad sa timog-kanluran at kanluran-timog-kanluran.

Nanatili pa rin sa Alert Level 3 ang bulkan at patuloy pa ring pinagbabawal ang pagpasok ninuman sa loob ng 4 kilometer danger zone at paglipad ng aircraft sa ibabaw ng bulkan.

BULKANG MAYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with